Ang Una King Pag-Ibig (a spoken poetry)

Napakadali lamang para sa’yo kalimutan ang lahat.

Halungkatin ang mga alaala at itapon kapag luma na..

Nilipad na ng hangin ang mga kumikislap na buhangin ng kastilyong ating binuo sa gilid ng dalampasigan, kasabay ng pagsira ng alon sa haligi na ating sinimulan..

Saksi ang mga bituin na minsang naging kakampi natin.

Napakadali lamang para sa’yo kalimutan ang mga alaala ng nagdaang pag-ibig na wagas.

Lumakad ka pa nga palayo at patakbong kumaripas.

Hindi ako pumikit o kumurap man lamang dahil umasa akong baka sakaling maisipan mo pang lumingon.

Ngunit hanggang sa kinain ka na ng panahon..

Hanggang sa naisipan ko na lamang bumangon

Sa pagkakasubasob sa pighati at lungkot na hindi ko inakalang dala mo sa iyong mga bagahe ng sandaling malaman ko ang pangalan mo.

Akala ko pawang mga magagandang alaala lamang ang laman nito..

Napakadali lamang para sa iyo ang umastang parang wala kang naramdaman..

Na minsang ang puso mo ako ang naging laman.

Tila baga’y binura na ng pagkakataon o ng oras o ng sitwasyon ang mga nangyari sa nakaraan..

Hindi ko na alam! Basta ang alam ko lang..

Tanging alam ko lang..

ay hindi ka nagpaalam.

Napakadali para sa iyong huwag isipin na baka umiiyak ako..

Na baka tumutulay ako sa maikling lubid na ibinigay mo para lamang magtagpo tayo sa dulo..

Ngunit alam natin na hindi iyon sapat kaya nahulog ako.

Ngunit wala ka sa baba para sumalo..

Pira-piraso’t basag akong tumayo..

Pinilit nagpakabuo.

Napakadali sa iyong hawakan ang mga kamay niya habang hawak pa kita..

Habang umaasang baka pwede pa.

Ngunit nakita kitang ngumiti..

Ngiting hindi ko pa nakikita sa iyo dati.

Nasilayan ko ang repleksiyon niya sa iyong mga magagandang mata.

Talo na.

Itinaas ko na sa wakas ang puting tela.

Sapagkat isinuko na kita.

Napakadali para sa aking humakbang na palayo.

Kalimutan ang lahat at huwag nang lumiko.

Hindi ko na babalaking dumaan sa kalyeng dinaanan nating dalawa.

O nanaising salubungin ka pa..

Sapagkat wala na.

Wala ka na..

Wala na siya.

Ang una kong pag-ibig.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s